Sugatan ang isang menor de edad na rider matapos masalpok nito ang bisikletang kanyang sinusundan nitong Linggo ng hapon sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pulisya, patungong Barangay Batiano ang bisikleta na minamaneho ni Nelson Sediaco, 37, nang masalpok ng motorsiklo na minamaneho ng isang 16 anyos na estudyante, sakay ang edad 15 at 9 na kasama.
Hindi umano na calculate ng maayos ng menor de edad ang kanyang bilis at nasalpok nalang bigla si Sediaco.
Nagtamo ng sugat ang rider habang ang tatlong sangkot sa aksidente ay nagtamo lamang ng galos.
Wala umanong suot na helmet ang rider nang mangyari ang aksidente.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa patuloy na imbestigasyon sa aksidente.