Sa bisa ng isang memorandum circular mula sa opisina ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic na inilabas ngayong araw, #WalangPasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Odiongan bukas ng hapon, November 22, simula alas-12 ng tanghali.
Ito umano ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na manood ng opening ceremonies ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2019 bukas ng hapon.
Maari umanong makuha ang kopya ng memorandum circular sa opisina ni mayor Fabic para sa mga paaralan na mangangailangan ng kopya.