Maswerteng nakaligtas ang isang mag-asawa na sakay ng kulay puting kotseng nahulog sa isang malalim na bangin nitong Biyernes sa bahagi ng Sitio Boliganay, Barangay Panique, Odiongan, Romblon.
Ayon sa mga saksi, hindi umano kinaya ng kotse ang paahon na kalsada at sinubukang lagyang ng kalso (wedge) ang kotse para hindi umatras ngunit hindi ito kinaya at unti-unting dumausdos pababa hanggang sa mahulog sa bangin.
Pumaikot-ikot ang kotse hanggang sa bumaliktad at mahulog sa ilog.
Agad namang nakalabas ng kotse ang mag-asawa kaya hindi sila nasamang mahulog sa bangin na tinatayang may lalim na mahigit 100 metro.
Maswerte namang walang naglalaba sa ilog nang mangyari ang aksidente kaya walang ibang nadamay rito.