Nauwi sa pananaga ang masayang inuman ng isang magkaibigan sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon nitong tanghali ng November 12.
Ayon sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, bandang 12:45 ng tanghali habang nag-iinuman umano sina Darwin Suriaga, at Melchor Gabayno nang biglang magkaroon ng pagtatalo sa kanilang dalawa.
Nauwi sa suntukan ang masaya nilang usapan dahilan upang umuwi ng bahay si Gabayno ngunit sinundan umano siya ni Suriaga.
Nakakita ng bolo si Gabayno at walang ano-ano’y nilapitan si Suriaga at tinaga sa balikat.
Agad na isinugod ng San Andres District Hospital ng kanyang mga kamag-anak si Suriaga para gamutin.
Samantala, nakuha naman ang ginamit na bolo ni Gabayno sa pananaga nang ito ay maaresto ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station sa kanyang pamahahay.
Nakakulong na ngayon si Gabayno at posibleng maharap sa kasong Attemted Homicide.