Kinansela ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Magdiwang, Romblon ang nakatakdang earthquake drill ngayong umaga sa Barangay Agutay dahil sa nararanasang masamang panahon sa lugar.
Ayon sa pamunuan ng Magdiwang MDRRMO, ililipat nalang ito sa Lunes kung saan inaasahan na ang magandang panahon sa lugar.
Pinayuhan rin ng Magdiwang MDRRMO ang lahat ng school DRRM coordinators na kanselahin rin muna ang iba pang drills sa iba’t ibang paaralan sa bayan ngayong araw.
Ang masamang panahong nararanasan sa lugar ay dala ng bagyong Ramon na patuloy na lumalapit sa kalupaan ng bansa.
Bahagi ang mga drills ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ginaganap sa buong bansa ngayong araw.