Sugatan sa pananaga ang dalawang menor de edad sa Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon nitong gabi ng Biyernes.
Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, nag-iinuman ang mga biktima kasama ang suspek na si Jay-R Arnaiz, 20, nang mauwi umano ito sa pagtatalo at sa hamunan ng suntukan.
Batay sa police report, ang mga biktima umano ang naunang saktan ang may-ari ng lugar ng kanilang iniinuman na si Erer Solano, dahilan upang kumuha ng bolo ang suspek para protektahan si Solano hanggang sa pagtatagain nito ang dalawang biktima.
Agad namang isinugod sa Tablas Island District Hospital ang dalawang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sugatan rin ang suspek kaya isinugod rin ito sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.