Kahit tapos na ang repair sa kanilang pwesto sa Barangay Dapawan, inaasahang sa susunod na taon pa magbubukas ang Odiongan Branch ng BPI Direct BanKo, ang produkto ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at ng BPI Globe BanKO (the country’s first mobile savings bank).
Ayon sa source ng Romblon News Network, posibleng ‘early’ next year (2020) pa magbubukas ang kanilang bangko habang tinatapos pa ang mga kaukulang papeles na kailangan nila para opisyal ng makapag-operate sa probinsya ng Romblon.
Ang BPI Direct BanKo ay inaasahang mago-offer ng financing services parsa mga personal accounts, at sa mga self-employed microentrepreneurs o SEMEs.