Isang lokal na selebrasyon ng Araw ng mga Bata ang inorganisa ng Barangay Anahao, Odiongan noong ika-21 ng Nobyembre taglay ang temang “Karapatang Pangbata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan”.
Aabot sa mahigit 250 na bata mula sa Barangay Anahao ang dumalo sa nasabing programa kung saan dumalo rin ang mga kawani mula sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Odiongan.
Naging panauhing pandangal sa programa si Geli Ann Arado na nagbigay ng maikling mensahe para sa mga bata.
Samantala, dumalo rin sa programa si Sangguniang Bayan member Gicile Fainsan.