Apat na bagong gusali sa loob ng Romblon State University ang pormal ng pinasinayaan nitong nakaraang Biyernes, November 22.
Kabilang sa mga bagong gusali na binasbasan ng pari ay ang bagong Administration Building, ang Extension and Training Center Building, ang bagong Research Building, at ang bagong tahanan ng College of Engineering and Technology.
Dumalo sa pagpapasinaya sina Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic, Dr. Arnulfo de Luna ng Romblon State University kasama ang iba pang presidente ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na nasa Romblon para sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2019.
Ayon sa pamunuan ng Romblon State University, malaking tulong umano ang mga bagong gusali sa patuloy na pagdami ang bilang ng populasyon sa nagiisang unibersidad sa lalawigan ng Romblon.