Isang Commemorative Symposium ang isinagawa sa bayan ng Alcantara, Romblon nitong Huwebes ng hapon, October 24, bilang bahagi sa paggunita sa Ika-75 anibersaryo ng ‘Battle of Sibuyan Sea’ ng bayan.
Ang symposium na dinaluhan ng mahigit 50 katao ay inorganisa ng Philippine Navy, Municipal Battle of Sibuyan Sea Day Council, Lokal na pamahalaan ng Alcantara, Provincial Government of Romblon, Philippine Normal University at Departamento ng Kasaysayan ng University of the Philippines.
Isa tagapagsalita rito ay si Dr. Ricadro Jose ng UP-Diliman kung saan tinalakay nito ang kasaysayan ng Battle of Sibuyan Sea at ang kinalaman nito sa Battle of Leyte Gulf noong taong 1944.
Nagsalita rin si Dr. Kritoffer Esquejo, kung saan tinalakay niya ang “Danas at Gunita ng mga Romblomanon sa Yugto ng Okupasyong Hapones”.
Si Patrick John Mansujeto, isang Defense Analyst, tinalakay ang mga makasaysayang barko ng Philippine Navy kabilang ang mga bagong ‘decommissioned’ na barko na, BRP Sultan Kudarat (PS-22).
Ang taunang paggunita sa “Battle of Sibuyan Sea” ay alinsunod sa Proclamation No. 45 na pinirmahan noon ni President Benigno S. Aquino III na nagdedeklara sa ika-24 ng bawat taon bilang ‘Battle of Sibuyan Sea Day’.