Pinangalanan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Mimaropa ang mga bayan sa rehiyon na makakatanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong 2019.
Isa sa mga mabibigyan ng award ay ang bayan ng San Agustin, ang nag-iisang bayan sa lalawigan ng Romblon na napabilang sa mga awardee.
Base sa pamantayan ng DILG, ang SGLG ay iginagawad sa isang lokal na pamahalaan na pumasa sa pangangasiwa sa pananalapi, paghahanda sa sakuna, kapayapaan at kaayusan, business friendliness and competitiveness, pamamahala ng kapaligiran at turismo.
Ang ilan pang napabilang sa mga awardees ay ang Calapan City, Naujan, Gloria, at Victoria sa Oriental Mindoro; Sablayan sa Occidental Mindoro; at Narra sa Palawan.