Ipinaalala ni Odiongan vice mayor Diven Dimaala na halagang P12 lang ang bayad sa tricycle kada isa sa unang isang kilometro na biyahe nito.
Sa facebook post ni Dimaala, sinabi nito na noong nakaraang taon ay inaprobahan na ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang P2 na dagdag singil sa pamasahe ang ilang grupo ng mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa bayan ng Odiongan, Romblon bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina sa bayan.
Ang regular na pasahero ay dapat magbayad ng P12 sa unang isang kilometro at magdadagdag ng P2 sa bawat dagdag na isang kilometro.
Para naman umano sa mga estudyante, senior citizen, at PWD, P10 ang bayad sa unang isang kilometro at magdadagdag ng P1 sa bawat dagdag na isang kilometro.
Inabisuhan rin ni Vice Mayor Dimaala ang publiko na makakaranas ng pangaabuso ng mga tricycle at driver drivers na magsumbong sa kanyang personal na mobile number sa 09985485469 para agad na maaksyunan.
ERRATUM: Nilinaw na hindi sa unang dalawang kilometro ang simula ng pagsisingil kundi sa unang isang kilometro ng biyahe ng tricycle.