Nagsimula ng mauna sa mga sementeryo ang ilang kamag-anak ng mga yumao para maglinis ng mga puntod, dalawang araw bago ang UNDAS.
Sa Dapawan Public Cemetery sa bayan ng Odiongan, may pailan-ilan ng tumungo sa sementeryo para magpintura, at maglinis ng mga damo sa paligid ng nitso ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon kay Kavin, isa sa mga nakausap ng Romblon News Network na naglilinis sa isang puntod, maganda umanong malinis ang puntod ng kanilang yumaon kamag-anak kasi minsan lang umano itong mabisita.
Handa na rin umano ang pamunuan ng sementeryo sa pagdagsa ng mga taong bibisita sa sementeryo pagsapit ng November 1 at 2.
Maglalatag umano sila ng traffic scheme para maiwasan ang pagsikip ng trapiko sa mga kalsada papasok sa lugar lalo umano ngayong kabilaan ang road construction malapit sa sementeryo.