Tatlumpu’t apat na mag-aaral ng Libertad Day Care Center ang naging masaya ang umaga matapos mabigyan ng libreng almusal ng grupo ng isang lokal na fraternity nitong umaga ng Martes sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon kay Punks Pastrana, Presidente ng Council ng Kautoran Organisation – Romblon State University Chapter, ang kanilang aktibidad ay ‘for a cause’ lang at dahil gusto lang nilang magpasaya ng mga bata.
Maliban sa libreng pakain binigyan rin nila ng maliit na regalo ang mga bata na masaya naman nilang tinanggap kasama ang kanilang mga magulang.
Hangad rin umano ng kanilang grupo na hindi lang makaikot pa sa iba pang Day Care Center para makapagpasaya rin ng mga bata para mas maging inspired pa sila sa kanilang pag-aaral.