Isang lalaki na tumalon sa sinasakyang barko ang nailigtas ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group sa bahagi ng Sibuyan Sea sa Romblon.
Ayon sa PNP-Maritime Group, sakay ng barkong MV St. Michael the Archangel ng 2Go Travel ang 53 nanyos na lalaki mula Zamboanga at patungong Manila nang tumalon ito habang naglalayag nitong Lunes.
Agad na nasagip ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group at Coast Guard Special Operations Force ang lalaki matapos maitawag sa kanila ng barko.
Ayon sa otoridad, nakitaan ng pagkakabalisa ang lalaki at posibleng nakakaranas ng depresyon kaya ito tumalon sa dagat.
Ligtas na ngayon ang lalaki.