Patay ang isang senior citizen sa San Agustin, Romblon matapos mahulog sa kanal ang minamaneho nitong motorsiklo nitong gabi ng Huwebes, September 26.
Kinilala ng pulisya ang rider na si Enrique Montesa Maquinto, 61 anyos, residente ng Barangay Doña Juana sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station, binabaybay ng rider ang national road dala ang kanyang motorsiklo nang biglang mahulog ito sa kanal kasama ng kanyang motorsiklo pagdating nito sa Sitio Tambulungan.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang rider dahilan upang mawalan ito ng malay.
Sinubukan pa siyang dalhin sa Tablas Island District Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.