Isang 15-anyos na lalaki ang ibinitin ang sarili niya sa kesame ng kanilang bahay sa Odiongan, Romblon dahil umano sa pag-aakalang iniiwasan siya ng kanyang girlfriend.
Ayon sa pamilya ng lalaki, magtatanghali kanina ng makita nilang nakabitin ang leeg ng lalaki sa kesame ng kanilang bahay at nanlalamig na ang katawan nito.
Agad silang humingi ng tulong sa mga kapitbahay at nagpatawag ng pulis para alamin ang posibleng dahilan ng pagkakamatay ng binata.
Sa pag-iimbestiga ng kapulisan, lumalabas na posibleng ang hindi pagkakaintindihan nila ng kanyang dalawang buwang girlfriend ang dahilan ng pagpapatiwakal.
Kwento ng kuya ng biktima, kagabi umano ay nagkwento sa kanya ang kanyang kapatid na tila iniiwasan siya ng kanyang girlfriend dahilan upang posibleng magtanim ito ng tinik sa kanyang dibdib hanggang sa kitilin niya ang sarili niyang buhay.
Paliwanag naman ng girlfriend ng lalaki, hindi niya naman umano iniiwasan ang kanyang boyfriend, katunayan umano, ilang beses niya pa itong tinawagan nitong mga nakaraang araw ngunit hindi umano ito makontak dahil mahina ang signal sa bahay ng lalaki.
Paalala ng mga otoridad, laging kausapin ang mga kamag-anak na tila nakakaranas ng depression para hindi nila maisip ang mga ganitong gawain.