Sugatan ang isang lalaking tumatawid sa kalsada matapos masalpok ng motorsiklo nitong tanghali ng Miyerkules, August 14.
Ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, binabaybay ng rider na si Reymand Martizano, 46, ang kahabaan ng national road sa Barangay Liwanag sa bayan ng Odiongan, nang masalpok niya ang naglalakad na biktima na si Rodolfo Caya, 40.
Hindi umano napansin ni Martizano ang pedestrian kaya niya ito nasalpok.
Agad namang isinugod ng nakabangga na si Martizano ang biktimang si Caya sa Romblon Provincial Hospital para patingnan at ipagamot. Nagpapagaling na ngayon ang biktima.
Napag-alaman naman ng kapulisan na walang lisensya para magmaneho si Martizano.
Walang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.