Tiklo sa kamay ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang lalaking itinuturing na top 8 most wanted person ng bayan ng Odiongan,Romblon.
Kinilala ang suspek na si Luis Pelongo Fetalino, residente ng Barangay Tulay.
Ayon sa ulat mula sa Regional Public Information Office ng PNP-MIMAROPA, kinasa ang operasyon ng pulisya sa gitna ng masamang panahon sa Barangay Anahao kung saan namataan ang suspek.
Inaresto si Fetalino sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 at ng Municipal Circuit Trial Court noong 2017 sa kasong Attempted Rape at Grave Threats.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station.
Aabot sa P120,000 ang dapat bayarang piyansa ng suspek para makalaya sa kasong Attempted Rape at P2,000 naman sa kasong Grave Threats.
Walang pahayag ang suspek.