Inaarayan ng mga hog raisers sa bayan ng Santa Maria, Romblon ang sobrang babang bilihan sa kanilang lugar ng buhay na baboy para ibenta sa palengke.
Ayon sa isang hog raiser na nakausap ng Romblon News Network, umaabot nalang sa P80/kilo ang bili sa mga buhay na baboy tapos ibinebenta ang karne nitong ng P150 hanggang P200 kada kilo sa pamilihang bayan.
Dahil dito, napipilitan nalang ang ibang hog raiser na katayin ang kanilang baboy at sila na mismo ang nagbebenta sa kanilang mga kakilala kahit ipinagbabawal.
“Sobrang mura po kasi talaga, bale ang bili sa amin ay P80 kada kilo lang ng buhay na baboy, kaya kahit bawal magkatay ay kinakatay nalang namin at pinagbibili ng halagang P150 hanggang P200,” ayon sa ayaw magpabanggit ng pangalan na hog raiser.
“Panawagan namin sa kinauukulan, bigyan ng solusyon ang problemang ito ng bayan lalo ng mga magsasaka dahil ang ilan umano sa kanila ay nagsisimula ng malugi,” dagdag nito.
Wala pang komento ang lokal na pamahalaan ng Santa Maria kaugnay sa nasabing issue.