Nais paimbestigahan ni Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala ang mga KTV Bars sa Barangay Budiong sa bayan ng Odiongan, Romblon dahil sa posibleng paglabag ng mga ito sa batas.
Sa panayama ng Romblon News Network kay DImaala nitong Martes, sinabi ni Dimaala na kung kailangang ipasara ang mga nasabing KTV bars ay gagawin niya kung sila ay may paglabag sa batas.
Nagiging lugar rin umano ang mga KTV bars sa nasabing barangay ng mga krimen katulad ng frustrated murder, gambling, murder at paggamit ng iligal na droga.
Batay sa taya ng Odiongan Municipal Police Station, nakapagtala na ng 11 crime incident sa tatlong KTV bars sa likod ng sabungan ng Odiongan mula 2017 hanggang 2019.
Nakikipag-ugnayan na umano si Dimaala sa Odiongan Municipal Police Station at sa iba pang ahensya ng gobyerno para imbestigahan ang mga sinasabing KTV bars.