Patay na ng marekober ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection – San Agustin at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMO) ng San agustin ang lalaking nalunod sa Sitio San Roque, Barangay Lusong sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Ayon sa San Agustin Municipal Police Station, nakikipag-inuman umano ang lalaking kinilalang si Eddie Bautista sa kanyang mga barkada sa tabi ng dagat sa Sitio San Roque bago ito tumungo sa tubig para maligo bandang alas-10 kaninang umaga.
Bigla nalang umanong nawala si Bautista kaya nag hinanap ito ng kanyang mga barkada at humingi na rin ng tulong sa mga otoridad. Nang marekober si Bautista, wala na itong buhay at isa na lamang bangkay.
Hindi pa tukoy kung bakit nalunod ang biktima kahit madalas itong nasa dagat para maligo