Isang bangkang ginagamit sa pangingisda ang pinalubog ng malalakas na alon kaninang madaling araw sa bayan ng Calatrava, Romblon.
Ayon sa may-ari ng bangka, nagising nalang silang lubog na sa tubig ang kanyang bangka at posible umanong pinalubog ito ng malakas na alon at hangin na naranasan ng bayan bandang alas-2 ng madaling araw kanina.
Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.
Samantala, ginagawan na ng paraan ng may-ari ng bangka na mapalutang muli ang bangka at tinitingnan kung may sira ito.
Ang masamang panahon ay dulot ng Hanging Habagat at ng Bagyong Jenny na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.