Napilitang bumalik ng Ninoy Aquino International Airport ang eroplano ng CebGo na biyaheng Tablas Island, Romblon dahil sa masamang panahon na naranasan nitong Miyerkules, August 28.
Kinumpirma ito sa Romblon News Network ni Romblon Airport ayon kay CAAP Manager Nonie Lucidos.
Ang CebGo Flight DG 6073 ay umalis ng Manila ng 1:14 ng hapon ngunit matapos mag paikot-ikot sa Tablas Island ay napilitang bumalik nalang dahil sa nararanasang malakas na ulan sa Alcantara, Romblon dahilan upang mag zero visibility sa runway ng Romblon Airport.
Dahil dito, kinansela rin ang CebGo Flight DG 6074 na biyaheng Tablas – Manila.
Ang mga pasahero pagbalik ng NAIA ay binigyan ng chance para e refund ang kanilang ticket o di kaya ay ire-book sa ibang araw.
Ang pag-uulan na nararanasan sa Romblon ay dala ng Habagat na pinapalakas ng bagyong #Jenny na nasa labas na Philippine Area of Responsibility.