Sugatan ang lima katao kabilang na ang driver ng isang chariot trike matapos sumalpok sa isang concrete post sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon nitong tanghali ng Huwebes, Agosto 29.
Ayon sa San Andres Municipal Police Station, pabalik na ng Barangay Mabini, sa parehong bayan, ang sasakyan galing sa bayan ng Odiongan sakay ang apat na pasahero at kargang ilang ‘yero’ nang mangyari ang aksidente. Biglan umanong nilipad ang isa sa mga yero dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan at sumalpok sa concrete post./p>
Sa lakas ng pagkakasalpok ng sasakyan, tumilapon ang mga sakay nito dahilan upang magtamo ang driver at dalawang sakay na estudyante ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang ang dalawang matandang sakay ay nagtamo ng bali at sugat sa ulo.
Agad naman silang isinugod sa Romblon Provincial Hospital para maipagamot.
Patuloy na iniimbestigahan ng San Andres Municipal Police Station ang nasabing aksidente.