Sugatan ang tatlo katao sa Odiongan, Romblon matapos masangkot sa banggaan ng motorsiklo at tricycle nitong hapon ng Biyernes, August 2.
Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng National Road sa Barangay Anahao.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, magkasunod na binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Reymark Savador 23, at ng tricycle na minamaneho ni Percious Rotoni, ang kahabaan ng national road nang biglnag mag U-turn si Rotoni dahilan para masalpok siya ng nasa likod na si Salvador.
Ayon kay Rotoni, nag U-turn umano siya para kunin ang nahulog niyang susi ngunit dahil sa mabilis na mapatakbo ni Salvador, hindi ito nakaiwas sa disgrasya.
Tumilapon si Salvador mula sa motorsiklo gayun rin ang backrider nitong 17-taong gulang na estudyante, dahilan para magtamo sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dinala agad ang dalawang driver at ang angkas ni Salvador sa Romblon Provincial Hospital para gamutin.
Samantala, dinala naman sa Odiongan Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan habang inaantay kung magrereklamo ang dalawang partido na sangkot sa aksidente.