Isang truck na may kargang buhangin ang naaksidente matapos itong dumausdos pababa habang paakyat ng Philippine Science High School – MIMAROPA Campus (Pisay) sa Odiongan, Romblon nitong tanghali ng Lunes, July 1.
Ayon sa driver ng truck na pagmamay-ari ng OrienTech Construction, contractor ng pinapagawang gusali ng Pisay, bumara umano ang gasulinahan ng truck kaya kinapos ito habang paakyat.
Naipreno pa ang truck at nakalsuhan subalit hindi kinaya ng kalso at dumausdos ito pababa hanggang sa sumalpok sa isang puno.
Ang paper tree ay siya ring puno na tinamaan kamakailan nang nawalan ng control rin ang isang water delivery truck ng nasabing contractor bago ito gumulong.
Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa insidente.
Naialis rin sa pagkakaharang ang truck matapos ang mahigit isang oras.