Hinahangaan ngayon ang isang tricycle driver at ang kanyang kasama na nagsoli ng napulot nilang wallet na may lamang mahigit 50,000 peso at dollars nitong July 1.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, napulot nina Joel Faa at Edward Factor ang wallet sa Barangay Anahao sa Odiongan nitong Linggo kaya agad nila itong dinala sa pulis station.
Napagalamang ang napulot na wallet ay pagmamay-ari ni dating Looc SB member at Retired Police Colonel na si Benhur Andres.
Nagpapasalamat si Andres sa nakapulot ng wallet dahil kahit malaking halaga ang laman nito ay hindi siya nagdalawang isip na magsoli.
Kinilala naman ng Local Government Unit ng Odiongan sina Faa at Factor dahil sa katapatan nilang ipinamalas sa kabila ng mahirap na buhay.