Maswerteng walang natamong sugat ang driver ng isang Toyota Fortuner matapos itong mahulog sa isang mababaw na bangin at bumaliktad sa Barangay Lawan sa bayan ng Alcantara, Romblon bandang 2:35 ng hapon nitong July 5.
Ayon sa driver ng sasakyan na may plate number na ZJM799, madulas umano ang Circumferential Road sa lugar kung saan nangyari ang aksidente kaya hindi umano kumagat ang preno ng kanyang sasakyan dahilan upang dumiretso ito at mahulog sa mababaw na bangin.
May mga nagkalat umanong buhangin sa kalsada na nagpadulas rito kaya agad na nagsagawa ng flushing operation ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar para malinis ito.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Alcantara Municipal Police Station ang aksidente.