Uupo na bilang bagong mga Presiding Judge ng dalawang korte sa Romblon sina Hon. Edwin B. Buffee at Hon. Cirile M. Foja.
Base sa listahan mula sa Supreme Court, si Judge Foja ay uupo sa RTC Branch 106 Cajidiocan, Romblon; habang si Judge Buffee ay uupo sa RTC Branch 82 Odiongan, Romblon.
Kabilang sila sa 38 na bagong judge na pinadala ng Malacanang sa opisina ni dating Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro noong October 2018 ngunit dumating lang sa opisina ng Supreme Court noong July 22, 2019.
Sasamahan nina Buffee at Foja sa Romblon si Hon. Judge Donna Pascual ng RTC Branch 19 – Family Court Romblon.
Sa pagkaka-appoint sa dalawa, isa nalang ang wala pang presiding judge na korte sa lalawigan, ito ang RTC Branch 81 Romblon, Romblon.
NEW APPOINTMENTS to the RTCs of Quezon, Rizal, and Romblon pic.twitter.com/Y882HlxlsH
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) July 26, 2019