Isang sari-sari store sa Barangay Sugod sa San Agustin, Romblon ang walang habas na nilooban ng hindi pa alam na bilang na magnanakaw nitong Linggo ng gabi.
Tinangay ng mga magnanakaw ang mga paninda, 3 sako ng feeds, at gasolina umano ng motorsiklo na pag-mamayari umano ni Danilo Maño.
Ayon sa kanyang anak na si Alvin, bandang alas-9 ng gabi umano ng pasukin ang tindahan ng walang bantay noong oras na iyon dahil umuwi umano ng Barangay Longbeach ang kanyang ama.
Apat na beses na rin umano itong nangyari sa kanilang tindahan at naalarma umano sila hindi lang sa kanilang tindahan kundi sa iba pang tindahan sa Barangay.
Ipinaalam na umano nila ang nangyari sa pulisya para maimbestigahan ang insidente.