Sabay-sabay na naglinis ng coastal area ng Barangay Libertad ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology – Odiongan District Jail nitong Martes, July 9.
Ayon kay Chief Master Sergeant Eugene Cipriano ng Odiongan Municipal Police Station, ang aktibidad ay bahagi ng kanilang pagdiriwang sa 24th Police Community Relations Month at pagsuporta sa clean and green program ng Local Government Unit.
Nakakuloketa ang grupo ng aabot sa 10 sako ng mga basura sa lugar.
Samantala, maliban sa paglilinis ng coastal area, nagtanim rin sila ng may aabot sa 350 na mangroves sa lugar.
Sinabi ni Cipriano na malaking bagay ang ganitong aktibidad lalo sa pagprotekta at pangangalaga sa ‘Mother Earth’.
Dumalo rin sa kanilang aktibidad ang miyembro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Environment and Natural Resources, Barangay Officials at Barangay Peacekeeping Action Team, at mga drug surrenderers ng Brgy. Libertad.