Isinusulong ng Philippine Coconut Authority – Romblon (PCA-Romblon) ang pagbili at pagtangkilik sa mga coconut products na mula sa probinsya ng Romblon.
Sinabi ni Protacio G. Rubia, Agriculturist II at Officer-In-Charge ng PCA – Romblon na mahina ang bentahan ng copra sa ngayon dahil walang processing center dito sa probinsya at kailangan pang ibiyahe patungong Lucena at Manila.
Kaya mas mainam umano kung makakatulong ang publiko sa mga mahihirap na farmers sa pamamagitan ng pagbili sa mga produkto nila sa palengke katulad ng mga buko, buko juice, at niyog.
“Ako talaga pag namamalengke, hindi talaga pwedeng hindi ako bibili ng buko kasi maraming dinadala sa palengke,” ayon sa pahayag ni Rubia.
Related Article: Mahigit 174K puno ng niyog, apektado ng Cocolisap