May aabot sa 16 na grade 1 students ng Boliganay Elementary School sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon ang maswerteng nabigyan ng libreng mga damit at school materials ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station nitong Miyerkules, July 10.
Ang programang itong tinawag nilang Kabataan Kotra Kahirapan (KKK) ay bahagi ng celebration ng 24th Police Community Relations Month ng Philippine National Police.
Maliban sa pagbibibgay ng mga pre-loved clothes na kinolekta ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, nakipaglaro rin ang mga pulis at binigyan ng libreng school supplies ang mga estudyante.
Ayon kay Chief Master Sergeant Eugene Cipriano ng Odiongan Municipal Police Station, ang aktibidad na ito ay nagpapakita lang ng magandang relasyon ng mga kapulisan at ng mga estudyante.