Nawasak ang isang bahay sa bayan ng Looc, Romblon matapos itong mabagsakan ng nabuwal na puno ng sampaloc kaninang umaga sa kasagsagan ng pananalasa ng malakas na hanging dala ng habagat na mas pinalakas pa ng bagyong #FalconPH.
Ayon kay Neil Fopalan, MDRRMO II ng bayan ng Looc, ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Bitoy Candido ng Barangay Lemon Norte..
Maswerte naman umanong nasa ibang bahay ang mga tao sa bahay ni Candido nang mangyari ang aksidente.
Nagsagawa na rin umanong clearing operation sa lugar ang pamilya ni Candido para maialis ang nasabing puno sa pagkakadagan sa kanilang bahay.
Samantala, handa naman umanong magbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Looc para sa pamilyang nawalan ng bahay dahil sa sama ng panahon.