Isang baby black tip shark ang aksidenteng nalambat ng ilang mangingisda sa Barangay Tabin-Dagat sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong hapon ng Martes, July 23.
Makikita sa Facebook post ni Juan Bayoneta, ang litrato ng batang pating na nasa baybayin at tila gustong bumalik sa dagat.
Ayon sa mga mangingisda, napansin nalang nilang nasa loob ng kanilang lambat ang pating matapos silang pumunta sa dalampasigan para sana kunin ang kanilang nalambat.
Agad namang pinakawalan ang batang sand shark sa dagat matapos masigurong wala itong sugat.
Ang mga black tip shark ay itinuturing ng vulnerable base sa listahan ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).