“I take you to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part.”
Yan ang naging sumpaan ng sampung pares na sabay-sabay na ikinasal sa kasalang bayang pinangunahan ng bagong alkalde ng Santa Maria, Romblon na si Mayor Lorilie M. Fabon nitong Biyernes, July 26.
Ang nasabing kasalang bayan ay nagsimula pa noong 2001 at nasa ika-19 taon na ngayong taon.
Layunin nito na maikasal ng libre ang mga isang mag-partner na nagsasama na ng mahigit limang taon at ninirahan sa bayan ng Santa Maria.
Masaya naman ang mga ikinasala kagaya nalang nina Monica Largueza at Jeomacht Gaan na may 21 taon ng nagsasama bago ikinasal kanina.
Binati rin ang mga bagong kasal ng congratulations ni Engr. Jonathan C. Firmalo, isang assistant statistical specialist.