Patay ang isang babae habang sugatan ang lima pang sakay ng isang SUV matapos sumalpok ito sa isang puno ng acasia sa San Agustin nitong hapon ng Lunes, July 22.
Ayon sa inisyal na ulat ng San Agustin Municipal Police Station, patungo ng Odiongan ang Toyota Fortuner nang maaksidente sa bahagi ng provincial road sa Barangay Carmen sa bayan ng San Agustin.
Bigla nalang umaong nawalang ng kontrol ang driver nito na si Efren Evangelista, 66, at bigla nalang sumalpok sa punong kahoy.
Sa lakas ng pagkakasalpok, nayupi ang unahang bahagi ng kotse habang nagtamo naman ng iba’t ibang sugat sa katawan ang mga sakay dahilan upang agad silang isugod sa Tablas District Hospital.
Sa kasamaang palad, nasawi ang isa sa mga sakay nitong kinilalang si Concepcion Miñon. Kinilala ang iba pang nasugatan na sina Louie Evangelista, Aludia Fabello, at Wilfredo Miñon, at Eddieline Billones.
Patuloy na iniimbestigahan ng San Agustin Municipal Police Station ang nasabing aksidente.