Walang takas sa batas ang isang lalaki sa bayan ng Looc, Romblon matapos madakip ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station nitong Biyernes sa bisa ng isang warrant of arrest.
Kinilala ang suspek na si Antonio Fabila, 35, residente ng Barangay Agojo.
Ayon sa pulisya, dinakip nila si Fabila sa bisa ng isang warrant of arrest na taong 2005 pa nilabas dahil sa kasong Attemted Homicide.
Mahigit 14 years umanong hindi nahuli ang suspek matapos magtago sa batas.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Looc Municipal Police Station at inaasahang ihaharap sa Regional Trial Court Branch 82 sa Odiongan.
May piyansang P120,000 ang kaso ng suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.