Nagtamo ng sugat sa ulo at nabalian ng paa ang isang tricycle driver matapos tumilapon sa baba ng tulay galing sa minameneho nitong chariot tricycle.
Ayon sa kwento ng mga saksi, mabilis umano ang patakbo ng driver ng tricycle na kinilalang si Anthony Libuton Jr., at nag-overtake sa dalawang motorsiklo at isang L300 Truck hanggang sa mawalan ng kontrol paglagpas ng tulay ng Barangay Gabawan at nasalpok ang steel barrier na nasa gilid ng Tulay.
Tumilapon mula sa tricycle si Libuton at nahulog sa gilid ng tulay na tinatayang may lalim na halos 2 metro.
Tumawag ng ambulansya ang ilang residente ngunit walang dumating kaya sa patrol ng Odiongan Municipal Police Station isinakay ang rider para madala sa Romblon Provincial Hospital.
Pinagtulugan nalang siya mabuhat ng mga sumaklolo sakanyang mga residente sa lugar.
Maswerte namang may napadaang registered Nurse sa lugar na pinangyarihan ng aksidente na umalalay at nagbigay ng first aid sa sugatang rider.
Ayon sa pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station, lasing si Libuton nang mangyari ang aksidente.
Paalala ng pulisya, iwasan ng magmaneho kapag nakainum na at lasing para iwas disgrasya sa kalsada.