Naghain ng election protest sa Regional Trial Court si outgoing San Andres Mayor Fernald Rovillos laban kay incoming Mayor Arsenio Gadon matapos matalo sa nakalipas na halalan noong Mayo.
Ayon sa source ng Romblon News Network (RNN), gustong ipa-beripeka ni Rovillos ang resulta ng botohan para masigurong tama ito.
Batay kasi sa resulta ng botohan mula sa Commission on Elections (COMELEC), lumalabas na 191 votes lang ang lamang ni Gadon kay Rovillos na nakakuha lamang ng 3,972 votes.
Kinumpirma ni Gadon sa RNN ang balita nitong Biyernes, June 21, sa pamamagitan ng isang text message.
Samantala, dinala na sa Regional Trial Court noong nakaraang Linggo sa Odiongan ang mga election results na iprinoprotesa ni Rovillos.