Nasapol ng isang delivery van ang motorsiklong nang-agaw ng linya ng huli matapos mag-overtake sa sinusundang dump truck sa bahagi ng Tablas Circumferential Road sa Barangay Mabini, San Andres, Romblon.
Nangyari ang aksidente pasado ala-una ng hapon nitong Lunes, June 10.
Batay sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station sa pangunguna ni Capt. Edwin Bautista, binabaybay ng rider na si Marson Peña ang kalsada mula Barangay Tan-agan patungong Agpudlos nang manyari ang aksidente.
Nag-overtake umano si Peña sa isang dump truck na nasa unahan nito ngunit hindi nito napansin na may kasalubong pala silang delivery van.
Sinubukan pang mag-preno si Peña ngunit wala na itong nagawa at nasalpok na ang delivery van.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang rider kaya agad itong isinugod sa San Andres District Hospital.
Agad namang nagdesisyong umuwi ang bitkima matapos na makapagamot sa ospital habang patuloy pang inaalam ng driver ng delivery van kung magsasampa sila ng kaso laban sa rider.