‘
Pinagkalooban ng mga bagong gamit ng dalawang Non-Governmental Organisation ang ilang Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Odiongan nitong nakaraang araw.
Nagsama ang University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMC) at ang Children’s Sensory Integration Behavioral Approach and Language Enrichment (CSIBALE), Inc. sa Odiongan para makapagbigay ng wheelchairs, crutches, at walkers para sa mga taong nahihirapang makapaglakad dahil sa kanilang pisikal na kalagayan.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang mga nabigyang PWD ay nagmula pa sa iba’t ibang barangay ng Odiongan.
Ikinatuwa naman ng mga nabigyan ng mga bagong gamit ang pagtulong sa kanilang ng UERMMC at CSIBALE dahil ngayon umano ay mababawasan na ang hirap na kanilang nararanasan araw-araw lalo noong wala umano silang natatanggap na katulad sa ganitong gamit.