Isang jeep ang muntik ng mahulog sa isang bangin na bahagi ng Salingsing Road sa Calatava, Romblon kaninang umaga, June 27.
Sa litratong pinadala sa Romlon News Network ni JM Forcado, makikita ang likod ng jeep na na wala na kalsada at tila ilang galaw nalang ay malalaglag na sa bangin.
Ipinaalam na umano ito sa mga otoridad para agad na matanggal ang nasabing jeep sa kanyang posisyon.
Samantala, wala pang pahayag ang driver ng jeep kung ano ang nangyari at nagkaganun ang sitwasyon ng jeep.
Wala ring ulat na nasaktan sa nasabing insidente.