Napuno ng emosyon ang opisina ni incumbent Alcantara Mayor Eddie Lota nitong umaga ng Lunes matapos itong pormal na magpaalam sa mga empleyado ng Munisipyo bilang alkalde ng bayan.
Si Lota ay naglingkod sa bayan ng Alcantara sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.
Sa huling flag raising ceremony ng LGU-Alcantara na dinaluhan ni Lota bilang Mayor, nagpasalamat ito sa mga empleyado ng munisipyo na tumulong sa kanya para mas mapaunlad ang bayan ng Alcantara.
Samantala, isang surpresang programa para kay Mayor Lota ang inihanda ng mga empleyado ngayong araw kung saan nagpasalamat isa-isa ang mga department heads ng munisipyo.
Papalitan si Lota bilang alkalde ni Dr. Riza Pamorada.