May aabot sa 359 na estudyante sa probinsya ng Romblon ang nakinabang sa Special Program for the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong taon.
Ayon sa DOLE-Romblon, ang mga kinuha ng ahensya para maging SPES beneficiaries ay mga marginalized students galing sa iba’t ibang bayan.
Sila ay nagsimula ng magtrabaho nitong nakaraang linggo at inaasahang magtatrabaho sa mga ahensya ng gobyerno sa loob ng 20 days ngayong summer.
Ilan sa kanila ay may trabahong encoders, tax mappers, office assistants, at front desk personnel.
Ang SPES o ang Special Program for the Employment of Students ay isang flagship program ng DOLE para sa mga mahihirap pero deserving students para makatulong sa kanilang pag-aaral. Maaring mag-apply ang mga estudyanteng edad 15-30 sa SPES basta sila ay walang failing grades at kabilang sa mga poor pero deserving na pamilya.