Nakiisa ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Romblon sa ginagawang Brigada Eskwela sa mga Looc Elementary School at sa Looc National High School nitong Martes ng umaga, May 21.
Kasama ng mga naka maskarang agents ang mga guro, at estudyante ng mga nasabing paaralan na naglinis ng loob ng kanilang mga campus.
Nagbahagi rin ng mga leaflets ang mga tauhan ng ng PDEA-Romblon sa mga guro, estudyante, at kanilang mga magulang para paalalahanan ang mga epekto ng mga ipinagbabawal na gamot sa lipunan.
ADVERTISEMENT