Kasama sa mga mabibigyan ng pagkakataong makakuha ng benepisyo sa bagong Expanded Maternity Leave Act ay ang mga kasambahay na legal na nagtatrabaho sa kanilang mga amo.
Ayon kay Christine Riano, Acting Branch Head 1 ng Philippines’ Social Security System sa Romblon, ang mga kasambahay na hinuhulugan ng kanilang amo ang SSS ay maaring mag-avail ng maternity leave hanggang sa 105 na araw.
Kung P5,000 pataas ang suweldo ng mga kasambahay kada buwan, dapat sagutin ng amo ang kaniyang mga benepisyo, gaya ng SSS at Philhealth batay sa Republic Act No. 10361 o “Domestic Workers Act” na isinabatas noong 2013.
Halimbawa nalang umano kung may 5,000 pesos na kita ang isang kasambahay, dapat magbayad ang employeer ng 400 sa SSS habang ang kasambahay naman ay magbabayad ng 200 sa SSS, o sumatotal na P600 kada buwanang contribution. (computation here)
Posible umanong magmulta ng P200,000 at makulong ng hanggang anim na taon ang isang employeer kung sakaling hindi ito nag remit ng tamang contibution ng isang empleyado kagaya ng mga kasambahay.
Hinikayat rin ni Riano ang mga employeers na i-register sa Social Security System ang kanilang mga kasambahay at ‘wag gawing voluntary member lang ng SSS. May ilan kasi umanong benipesyo para sa mga employed ang hindi makukuha ng kasambahay kung hindi sila rehistrado bilang employed.
Samantala, para sa mga gustong magsumbong at magreklamo, maari kayong pumunta sa opisina ng SSS o di kaya ay tumawag sa kanilang landline number na (042) 567-5114.
Si Riano ay ang panauhin sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon nitong Lunes, May 6, sa bayan ng Odiongan.