Isang walang buhay na lalaki ang natagpuan ng mga residente ng Limon Sur sa bayan ng Looc nitong hating gabi ng Linggo.
Ayon sa spot report ng Looc Municipal Police Station, bandang 11:00PM ng gabi nitong Linggo natagpuan ni Arsenia Gasangue ang lalaking si Edmon Vanson, 43, na nakahiga at walang malay sa tabi ng isang puno sa Sitio Grande.
Agad nitong tinawag ang mga kamag-anak ni Vanson para ipaalam ang nangyari at para maisugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital ang walang malay na lalaki ngunit pagdating sa ospital ay idineklara itong dead on arrival.
Inaalam na sa ospital kung ano ang posibleng dahilan na ikinamatay ni Vanson.
Patuloy ang imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station sa pangyayari para matukoy kung may foul play sa pagkamatay nito.