Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong gabi ng Martes matapos magdala ng baril sa loob ng isang restobar, ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station.
Kinilala ni Police Capt. Manuel Fernandez Jr. ang suspek na si Johnny Fabella, 51, residente ng Barangay Tulay.
Ayon sa pulisya, nagsagawa sila ng Oplan Bakal operation sa isang resto bar matapos makatanggap ng sumbong na may lalaking pumasok at umiinum sa lugar na may dalang baril. Pagdating ng pulisya, napansin nila ang suspek na may naka tucked in na baril sa shorts ng suspek na nakatayo noong oras na iyon.
Agad itong dinakip at dinala sa Odiongan Municipal Police Station matapos makitaan ng paglabag sa Election Gun Ban na umiiral hanggang June 12.
Nakuha sa suspek ang isang CZ Model 75 Cal .9mm, magazine at mga bala, at isang black hoister.
Nakakulong na ngayon sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek.